Ang pangalang anong tamis Nakakaalis ng hapis; Nagpapasaya sa isip Ay ang ngalan ni Jesus!
REFRAIN
Jesus, oh anong tamis! Jesus, kaibig-ibig! Lagi tayong umawit Sa pangalan ni Jesus!
Yamang tangi ko sa buhay! Na tuwina'y kailangan At labis kong minamahal Ay ang ngalan ni Jesus!
Kung ako ay naninimdim At ang buhay ko'y malagim Wala akong tanging aliw, Kundi ang ngalan ni Jesus!
Ang matamis na pangalang Sa puso ko'y minamahal At awitin ko sa buhay, Ay ang ngalan ni Jesus!